?

Log in

lakastriplang's Journal

Name:
Lakas Trip Lang!
Location:
Membership:
Open
Posting Access:
All Members , Moderated
Description:
Filipino-based East Asian Entertainment AU roleplay community
Malakas ang trip namin kaya naisip naming gumawa nito. Ito ay isang AU roleplay community. Kung hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng 'roleplay', huwag ka na lang dito, kasi nakakatamad magpaliwanag. Pero kung masipag kang magtanong sa 'min, sisipagin din kaming magpaliwanag. Magpadala ng mga katanungan kay Da-chan o redgrenade, ang may pakana ng kabalastugang ito. Maaari ring mag-email sa Lakas Trip Lang Customer Care.

Ano nga ba ulit 'to? Ito ang natatanging East Asian GLOBAL Entertainment AU roleplay community na gumagamit (at tumatangkilik) sa wikang Filipino. Pinapayagan din namin ang paggamit ng wikang Ingles at Taglish pero sinasabi pa rin natin na "Filipino-based" ito sapagka't laganap sa roleplay na ito ang kasalukuyang kulturang Pinoy, mula sa pagiging jologs hanggang sa pagiging coño. Nangangahulugan ito na naka-base ang mga muse sa bansang Pilipinas at nag-aaral/naghahanapbuhay sila sa mga paaralan/kumpanya (maliban kung sadyang tambay lang sila) na naka-base sa Pilipinas.

Kagaya ng ibang mga East Asian Entertainment roleplay community, tumatanggap kami ng mga muse na mula sa bansang Hapon, Korea at Tsina.

May ilang tuntunin na kailangang sundin bilang mga miyembro ng komunidad na ito:

1. Kinakailangang nakaiintindi ka ng wikang Filipino (o kahit Taglish man lang).
2. Hindi naman talaga kailangan na purong Filipino ang gagamitin sa pag-roleplay. Maaaring gumamit ng wikang Ingles/Taglish sa roleplay (lalo na kung medyo masagwang pakinggan... e.g. Kinant*t/Hinind*t ni Kangin si Eeteuk. DDDD:!!!).
3. Walang tunay na jologs at baduy dito. Magpaka-baduy o magpaka-jologs kung kinakailangan. Di ba mas masaya yun?
4. Walang KJ!!! Huwag ka nang umepal kung magiging KJ ka lang!
5. Dapat naman kahit papaano may nalalaman ka tungkol sa roleplay. Kung wala, magpaturo sa mga may alam kung ano ang gagawin.
6. Bawal ang malubhang away at drama maliban sa mga nagaganap sa roleplay. Kung mayroon kang hindi makasundong mun, iwasan mo na lang siya o ipaalam sa mga moderator.
7. AU o "alternative universe" ang basihan ng roleplay na ito. Hindi maaaring maging miyembro ng Big Bang si Taeyang o maging isang sikat na aktor sa Korea si Lee Junki.
8. Pinapayagan at lubos na hinihikayat namin ang kabaklaan/kabadingan.
9. Para mapatunayan na binasa mo ang mga tuntuning ito, ilagay sa subject line ng iyong claim ang katagang "Ang Huling El Bimbo".
10. Huwag matakot magtanong sa mga moderator kung kinakailangan.

However, if you really want to be part of this community but you're having trouble understanding pure Filipino/Tagalog, don't hesitate to contact the moderators, who will be more than happy to explain things to you. ^_^ ♥

---------------

PAG-CLAIM
Siguraduhin muna na wala pang kumukuha ng muse na nais mong gamitin sa roleplay (kumonsulta sa listahan ng mga claim).

Sumali sa komunidad na ito at gumawa ng panibagong post na naglalaman ng mga sumusunod:



Ilagay sa tag-line ng claim ang salitang "claim". O, simple lang, di ba?

EXTRA!!! Sa bawat claim, may moderator na "magbibinyag" sa muse at may itatakdang mala-Pilipinong palayaw (nickname) para sa kanya. Hindi naman namin pagpipilitan 'yun, pero... mas cute di ba? Haha. At para masaya!!

---------------

MODERATORS
- Da-chan / redgrenade / ay_ang_ganda_ko
- Mai / kachupoy
- Rix / no_tenkyu

---------------

LJ layout by minty_peach.




asian entertainment, barack obama, conglish, coño, danny noriega, filipino, flipglish, hannah montana, jologs, kabadingan, kabaduyan, kabaklaan, kagaguhan, mahahalay na bagay, mga bading, mga bakla, mga hapon, mga koreano, naruto, noraebang, noypi, paris hilton, pinoy, roleplay, sailor moon, schizophrenia, shin ramyeon, tagalog, taglish

Statistics